Papano ba naman ako papayat niyan kung nabalitaan ko na 50% off ang Cinnabon boxes pag 8:00PM?
Kagabi, kumain kami sa labas ni DA POGI (as usual). Napansin ko na madami dami rin palang kumakain sa labas at minsan obvious na mga bagong kasal ang mga kumakain. May nakasabay kaming mag-asawa (o sa tingin ko mag-asawa, buntis ang babae e) na naka tsinelas lang at parang pambahay ang damit. Mabilis lang silang kumain, at nakakatawa dahil parang di sila nag-uusap habang kumakain.
Meron din kaming pamilyang nakasabay na nakatsinelas rin lang sila.
Ako, nakatsinelas at maong na pantalon. Pero ang asawa ko, pustura pa. Galing kasi ng office. So parang feeling niya OP sya kasi sya lang ang nakikita namin na maayos na damit. Ang kinainan kasi namin e malapit sa residential area so madami talagang mga tao na galing lang sa bahay siguro.
Sabi ko pa naman, magtyatyaga ako magluto gabi gabi. Pero minsan nakakapagod na rin. Atsaka ang hirap magplano ng menu. Lalo na ngayong kapaskuhan na maraming nag-aaya ng biglaan. Atsaka minsan nagpapadala ang in-laws ko ng pagkain, nalilimutan na lang namin na meron nga pala kaming menu, hanggang tumagal na ang pagkain sa ref. Sayang naman.
Halos maloka ako kagabi nung nakita ko na sale pala ang cinnabon pag 8PM. Masarap ang mga rolls nila. Mukhang yung mga nilalagay nila na on sale e yung mga kailangan mabenta bago sila magsara at nagexceed na ng 30 minutes mula nung naluto. Wala naman pinagkaiba. Microwave lang ang katapat, ok na.
Kaso naman, nung kumain ako ng mini-chocobon, naramdaman ko talaga na naging hyper ako dahil sa sugar. Sugar high talaga. Midnight na nung nakatulog ako kagabi kasi sobrang high ako sa asukal. Ganito pala ang feeling ng 4 year old na pinakain ng candy buong maghapon.
Hyper pa din ako ngayon. Breakfast ko isang mini-chocobon at kape. Sugar and caffeine should keep me going for the whole day.
DA GANDA blogged @ 12/09/2004 04:30:00 PM
|