Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa guard ng business park kung asan ang office namin.
Umuwi kasi ako ng lunch sa bahay dahil may nag-iintay sa akin. Anyway pag balik ko, hininto ako ng guard ng business park kasi walang sticker ng business park ang dala kong kotse. Kotse kasi ni DA POGI yun. Anyway ganito ang usapan namin.
Guard: San po kayo Ma'am?
Ako: Dyan sa may (sabay pakita ng ID).
Guard: Ma'am wala po kayong sticker.
Ako: (Sa utak ko, alam ko po, kaya nga bumagal ako papunta ng gate e.) Ay kasi po hindi ito ang normal kong gamit na sasakyan.
Guard: Asan na po ang normal niyong gamit na kotse?
Ako: Pinang-coding po.
Guard: *Sinilip ang plaka ng kotse, tapos balik sa akin* Ma'am kailangan ko po ng lisensya niyo.
Ako: Eto po o.
Guard: *Tinignan ang lisensya* Ma'am expired na po next week ang lisensya niyo.
Ako: (Sa utak ko, alam ko po, hindi pa naman expired! Mag-eexpire pa lang) Alam ko po. Magpaparenew ako next week.
Guard: Ma'am magparenew na kayo agad baka mapaso pa tong lisensya niyo. *sabay abot ng claim stub para sa lisensya*
Hindi naman sya matanong no?
DA GANDA blogged @ 10/04/2006 09:20:00 PM
|