Minsan, pag iniisip ko, nakakasad din at ang naiisip ng karamihan ng tao e wala nang ibang choice kundi mag migrate sa ibang bansa.
Wala naman masama dun. Nakakasad lang.
Nakakasad lang na naiisip nila na pag andito sila, di nila mabibigyan ng magandang future ang anak nila. Nakakasad kung naiisip nila na pag andito sila, di nila kayang maka afford ng bahay at lupa. Na hindi nila kakayanin na bumili ng magagarang sasakyan. Nasasad ako na isipin na naiisip nila na di sila makakaipon kung nandirito lang sila.
Nakakasad lang na usually ang nakakaisip ng mga ganito e yung mga tao na talagang kung iisipin mo ay maganda sana kung manatili sa Pilipinas. Yung tipo bang, alam mong magagaling at magdadala ng dangal sa Pinas.
Wala lang nakakasad lang.
Madrama na naman ako. Palibhasa gloomy ang weather.
DA GANDA blogged @ 7/12/2006 06:13:00 PM
|