Masyado palang innocent ang dating ng nanay ni Forrest Gump. Sabi niya kasi "Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're gonna get."
E papano kung "Life is like a poker game, you'll never know what cards you'll be dealt".
Oi! Akin na yan. Bawal ang kopya.
Pero sa totoo lang, totoo naman parang Texas Hold'em poker talaga ang buhay. Bibigyan ka ng dalawang cards, ikaw ang mamimili kung anong gusto mong gawin, gusto mo bang umatras or ituloy ang laban. Bawat ikot ng laro, either magdadagdag ka ng pusta or ichecheck mo lang ang pusta mo. Pagka nagdeal na ng flop, either lalakas ang loob mo, or kakabahan ka sa panget ng baraha mo. Kung sadyang malakas ang loob mo at tingin mo kaya mo ang mga kalaban mo, sige lang ang pusta. Ika nga nila, the higher the risks, the higher the return. Pag lumabas ang turn card, at maganda pa rin ang takbo ng baraha mo, go ka pa rin. Pero kung umaasa ka lang sa river card para isalba ka, ay sadyang nakakakaba. Pero pag naipanalo mo naman ang set na yun, sadyang elated ka, lalo na if you just bluffed your way out of it. Lusot e.
Para akong lalaki sa comparison ko.
DA GANDA blogged @ 7/13/2006 04:17:00 PM
|