Usapang lasing.
A: may word ba na swish?
Ako: Meron.
The Bomb: Parang, ang swish naman natin, nakain ko ang laway mo.
Usapang lasing pa rin.
A Girl: Lahat ba ng shower may stripper? Pwede bang sa baby shower ni L may stripper din?
--------------------
Tignan nyo nga to kung ako lang ba ang sensitive or pakialamera lang talaga sya.
Ex-Classmate: May baby ka na?
Ako: Wala pa. *ngiti*
E-C: Ilang taon ka na bang kasal?
Ako: 2 years nitong May.
E-C: Tagal na rin pala. Wala kayong balak mag-baby?
Ako: E hindi pa binibigyan e. Darating din yun kung kelan ibibigay ni God. Atsaka di naman ako nag-asawa para mag-anak ng mag-anak. I got married to share my life with DA POGI.
E-C: Engot. Kaya nag-aasawa para bumuo ng pamilya. Nag-asawa ka pa kung di ka naman mag-aanak.
Ako: E wala pa nga e. Hindi ba kami family unit na kaming dalawa lang? (Thinking: Engot ka rin, e kung di nga bigyan ng anak? Papano na lang ang mga babae na may diprensya at di magka-anak, e di dapat di na sila nag-asawa?)
----------------------
Kinuwento ko sa kapatid ko yung tungkol kay Ex-Classmate.
Ako: So ayun, sinabi ko, di naman ako nag-asawa para mag-anak ng mag-anak. Di ko na nga lang masabi na di naman ako paanaking baboy.
Sisterette: Dati pa siguro mukhang paanaking baboy ka. Ngayon, not so much.
O di ba?! Kapatid ko talaga sya.
DA GANDA blogged @ 6/18/2006 03:58:00 PM
|