Kinacareer ng asawa ko ang christmas party nila.
This is his first christmas party sa new work niya and they have been practicing like crazy for the presentation. For 2 days straight, past 9 na sya dumadating sa bahay. At take note, nagpahaba sya ng bigote/balbas to get into character. Meron silang script at rehearsal schedule. Feel na feel talaga ng asawa ko ang kanyang first starring role.
On the other hand, dito naman sa office, parang walang kalatoy latoy ang mga tao to pursue the christmas party. Ever since naman kasi ang environment dito e una ang project parati. Kung ang project di pa tapos, then walang christmas party. So parating moving target ang date.
Kaya siguro parang deadmatic ako sa pasko.
DA GANDA blogged @ 12/01/2005 03:40:00 PM
|