Reason #1,234 why you don't wear platforms when you're sleepy.
Kagabi, di ako nakatulog masyado dahil sinisipon na naman ako. So in short, kaninang umaga, pupuyos puyos pa ako nung naglalakad ako papuntang bus. Bihis na bihis pa man din ako, with matching dangling earrings pa. Habang naglalakad, natapilok ang kaliwa kong paa. Napaluhod ako dahil sa pagkakatapilok kong yun. Nung patayo na ako, natapilok naman ang kanan kong paa, at talaga namang napaupo ako sa pagkakatapilok kong yun. Buti na lang ang pila ng bus andun sa kabilang side nung building, kundi kita ako ng lahat ng officemates ko na nakahandusay sa kalsada. Dalawang bata lang ang nakakita sa akin at di ko alam kung pinagtawanan nila ako.
Moral of the story, pag inaantok ka, dapat magrubber shoes ka na lang, or flat na sandals. Kahit di ka maganda, at least wala ka naman sugat sa kamay at sa tuhod.
DA GANDA blogged @ 8/22/2005 05:12:00 PM
|