Sabi ko na nga ba. PLDT won't make things easy for me when it comes to the DSL application.
Yung phoneline kasi sa bahay, hindi sa amin nakapangalan. Syempre dun sa landlord namin. Binigyan ako ng authorization letter ng landlord namin para makapag-apply ako using yung mga documents ko. Finax ko sa PLDT 2 days ago, then ngayon, nagemail sila para sabihin na hindi pwedeng i honor.
E papano yun?! alangan naman yung landlord ko ang mag-apply nung DSL e ako nga ang magbabayad din naman nun. Atsaka wala ang landlord namin. Sa January pa babalik. Alangan naman intayin ko pa yun?! E kailangan na nga ng DSL.
Naweweirdohan lang ako. Papano, nung nag-walk in kami sa MobileOne para magtanong, sabi sa amin kahit iforge na lang namin yung authorization. Yung documents din namin ang gagamitin. Imagine mo yun?! Magkaiba ang sinasabi nilang dalawa.
Yan ba ang best managed corporation in the Philippines?
DA GANDA blogged @ 12/08/2004 03:17:00 PM
|