Hay naku! Pasensya na kayo at napansin ko panay tagalog na lang ang blog ko. Papano naman kasi panay ang english ko pag kausap ko si C kaya minsan iniisip ko kailangan ko ng English-break. E since blog ko naman to, magsusulat ako anyway that I want to.
Sa wakas, after mahigit na 1 buwan e naliquidate ko na rin ang expenses ko from my last trip. Medyo gruelling lang nga sya kasi ang hirap kausapin minsan nung mga taga HR. Masungit kasi sila most of the time, plus the fact na yung Credit Card company e panay ang tawag sa akin para bayaran na ang bill ko. E Heller?! Dolyares ata yung ginastos ko no, wala akong pambayad dun so malamang kulitin ko na lang ang HR para dun.
Pinabayaan ko na muna ang PLDT. Intayin ko na lang muna ang Landlord namin bumalik. Sya na ang pag-aapplyin ko. Ayoko nang mastress out tungkol dun. Pero syempre nalulungkot ang asawa ko kasi ibig sabihin, wala pa din kaming broadband sa bahay. Buti na lang maganda ang telecom infrastructure ng building namin, ok pa rin ang dial-up.
Ang gulo ng unit namin ngayon. Panay nakakalat na plastic, kahon at kung ano ano pa. Di pa kasi ako tapos magbalot ng regalo para sa kapaskuhan. Kakaunti lang naman, pero parang nasa state of disarray pa rin ang bahay.
May pasok kaya sa 24?
DA GANDA blogged @ 12/14/2004 07:44:00 PM
|