At hindi pa rin natatapos ang saga ko against PLDT.
Tumawag ako para ifollow up ang application ko ng DSL. Dahil nga nagkaproblema ang application ko dahil wala ang landlord ko, kinlarify ko sa customer service representative yung guidelines nila.
Medyo di kasi ako makapaniwala na kailangan pa ng documents ng landlord ko, para lang maayos ang application. Wala na ang landlord ko, lumipad na sa ibang bansa at 2 months pa ang balik. Sa written application form nila iba ang field ng applicant and subscriber on record. Aanhin mo ang dalawang fields na yun kung sasabihin mo rin naman na subscriber on record lang ang pwedeng mag-apply?
Parang walang modo pa ang nakausap ko. Masyado syang pabalang magsalita, gayong ang galang galang naman ng pagkaka kausap ko sa kanya. Nag-init ang ulo ko at kinausap ko si DA POGI. Syempre dahil galing din sa customer service ang asawa ko, tinanong niya ako kung naghanap ba ako ng makakausap na supervisor. Syempre hindi. Hindi naman kasi ako confrontative na tao na tipong pagka hindi ako satisfied e kakausap ako kaagad ng bisor. Palagi kong iniisip na ang mga tao ay empowered.
Pero naghahanap ako ng form na pwede kong pagreklamuhan. Minsan iniisip ko na lang, why do I even bother? Parang gusto ko na lang hindi magcare kasi wala din naman akong mapapala. Trabaho lang naman ang idudulot nitong DSL sa akin.
Hay naku!
DA GANDA blogged @ 12/12/2004 10:09:00 PM
|