Wednesday, December 22, 2004
|
It's been a while since my last entry.
It's been a while since I had a coherent thought.
Today is my last day at work and I'll be back after New Years.
So Happy Holidays all!
:)
DA GANDA blogged @ 12/22/2004 03:07:00 PM
|
|
Tuesday, December 14, 2004
|
Hay naku! Pasensya na kayo at napansin ko panay tagalog na lang ang blog ko. Papano naman kasi panay ang english ko pag kausap ko si C kaya minsan iniisip ko kailangan ko ng English-break. E since blog ko naman to, magsusulat ako anyway that I want to.
Sa wakas, after mahigit na 1 buwan e naliquidate ko na rin ang expenses ko from my last trip. Medyo gruelling lang nga sya kasi ang hirap kausapin minsan nung mga taga HR. Masungit kasi sila most of the time, plus the fact na yung Credit Card company e panay ang tawag sa akin para bayaran na ang bill ko. E Heller?! Dolyares ata yung ginastos ko no, wala akong pambayad dun so malamang kulitin ko na lang ang HR para dun.
Pinabayaan ko na muna ang PLDT. Intayin ko na lang muna ang Landlord namin bumalik. Sya na ang pag-aapplyin ko. Ayoko nang mastress out tungkol dun. Pero syempre nalulungkot ang asawa ko kasi ibig sabihin, wala pa din kaming broadband sa bahay. Buti na lang maganda ang telecom infrastructure ng building namin, ok pa rin ang dial-up.
Ang gulo ng unit namin ngayon. Panay nakakalat na plastic, kahon at kung ano ano pa. Di pa kasi ako tapos magbalot ng regalo para sa kapaskuhan. Kakaunti lang naman, pero parang nasa state of disarray pa rin ang bahay.
May pasok kaya sa 24?
DA GANDA blogged @ 12/14/2004 07:44:00 PM
|
|
Sunday, December 12, 2004
|
At hindi pa rin natatapos ang saga ko against PLDT.
Tumawag ako para ifollow up ang application ko ng DSL. Dahil nga nagkaproblema ang application ko dahil wala ang landlord ko, kinlarify ko sa customer service representative yung guidelines nila.
Medyo di kasi ako makapaniwala na kailangan pa ng documents ng landlord ko, para lang maayos ang application. Wala na ang landlord ko, lumipad na sa ibang bansa at 2 months pa ang balik. Sa written application form nila iba ang field ng applicant and subscriber on record. Aanhin mo ang dalawang fields na yun kung sasabihin mo rin naman na subscriber on record lang ang pwedeng mag-apply?
Parang walang modo pa ang nakausap ko. Masyado syang pabalang magsalita, gayong ang galang galang naman ng pagkaka kausap ko sa kanya. Nag-init ang ulo ko at kinausap ko si DA POGI. Syempre dahil galing din sa customer service ang asawa ko, tinanong niya ako kung naghanap ba ako ng makakausap na supervisor. Syempre hindi. Hindi naman kasi ako confrontative na tao na tipong pagka hindi ako satisfied e kakausap ako kaagad ng bisor. Palagi kong iniisip na ang mga tao ay empowered.
Pero naghahanap ako ng form na pwede kong pagreklamuhan. Minsan iniisip ko na lang, why do I even bother? Parang gusto ko na lang hindi magcare kasi wala din naman akong mapapala. Trabaho lang naman ang idudulot nitong DSL sa akin.
Hay naku!
DA GANDA blogged @ 12/12/2004 10:09:00 PM
|
|
|
It's beginning to feel a lot like Christmas!
So last Friday, went to see some of the Alimasag Peeps for a Christmas EB. Had fun seeing old faces and new faces. It has been 2 years since I last joined their gimiks and I had fun talking with Jokla again. :D
Saturday, I went to have my measurements taken for Anne & Pau's wedding. DA POGI and I will be part of their ento and we're so honored that they picked us! :) Ganda ng gown design.
Sunday was Greenhills Shopping. I have completed shopping for my inaanaks and my hubby (sssh! secret gifts). I'm also done shopping for my siblings and bro-in-law. Only the parents now remain on the list unchecked. Less money in the bank, but at least I am now happy seeing all the wrapped gifts!
Hay! Good thing I am now out of the Scrooge-y state.
DA GANDA blogged @ 12/12/2004 04:50:00 PM
|
|
Thursday, December 09, 2004
|
Papano ba naman ako papayat niyan kung nabalitaan ko na 50% off ang Cinnabon boxes pag 8:00PM?
Kagabi, kumain kami sa labas ni DA POGI (as usual). Napansin ko na madami dami rin palang kumakain sa labas at minsan obvious na mga bagong kasal ang mga kumakain. May nakasabay kaming mag-asawa (o sa tingin ko mag-asawa, buntis ang babae e) na naka tsinelas lang at parang pambahay ang damit. Mabilis lang silang kumain, at nakakatawa dahil parang di sila nag-uusap habang kumakain.
Meron din kaming pamilyang nakasabay na nakatsinelas rin lang sila.
Ako, nakatsinelas at maong na pantalon. Pero ang asawa ko, pustura pa. Galing kasi ng office. So parang feeling niya OP sya kasi sya lang ang nakikita namin na maayos na damit. Ang kinainan kasi namin e malapit sa residential area so madami talagang mga tao na galing lang sa bahay siguro.
Sabi ko pa naman, magtyatyaga ako magluto gabi gabi. Pero minsan nakakapagod na rin. Atsaka ang hirap magplano ng menu. Lalo na ngayong kapaskuhan na maraming nag-aaya ng biglaan. Atsaka minsan nagpapadala ang in-laws ko ng pagkain, nalilimutan na lang namin na meron nga pala kaming menu, hanggang tumagal na ang pagkain sa ref. Sayang naman.
Halos maloka ako kagabi nung nakita ko na sale pala ang cinnabon pag 8PM. Masarap ang mga rolls nila. Mukhang yung mga nilalagay nila na on sale e yung mga kailangan mabenta bago sila magsara at nagexceed na ng 30 minutes mula nung naluto. Wala naman pinagkaiba. Microwave lang ang katapat, ok na.
Kaso naman, nung kumain ako ng mini-chocobon, naramdaman ko talaga na naging hyper ako dahil sa sugar. Sugar high talaga. Midnight na nung nakatulog ako kagabi kasi sobrang high ako sa asukal. Ganito pala ang feeling ng 4 year old na pinakain ng candy buong maghapon.
Hyper pa din ako ngayon. Breakfast ko isang mini-chocobon at kape. Sugar and caffeine should keep me going for the whole day.
DA GANDA blogged @ 12/09/2004 04:30:00 PM
|
|
Wednesday, December 08, 2004
|
Gusto ko lang magcomment.
I have been actively looking for my high school classmate's emails. I'm trying to persuade people to join our batch egroup. Pathetic kasi ang participation. 10 pa lang kami ngayon.
Anyway, I thought of searching friendster for my classmates. Baka sakaling maemail ko sila from there. Funny thing, I saw one of my classmates, who I think definitely had a nose job, claiming that she was 23 years old! Syempre halos mahulog ako sa upuan ko sa kakatawa. I mean, I know she just cheated 3 years out of her age, pero naman! I hope she really passes as 23.
And then I saw another acquaintance claiming that she was 19. Naku ha! Pwede ba?!
Does age cheating start at this young age? Kala ko yung mga babaeng nagsisimula lang ng mid-life crisis ang nandadaya ng edad nila.
La lang, nakakatawa lang.
DA GANDA blogged @ 12/08/2004 10:50:00 PM
|
|
|
Sabi ko na nga ba. PLDT won't make things easy for me when it comes to the DSL application.
Yung phoneline kasi sa bahay, hindi sa amin nakapangalan. Syempre dun sa landlord namin. Binigyan ako ng authorization letter ng landlord namin para makapag-apply ako using yung mga documents ko. Finax ko sa PLDT 2 days ago, then ngayon, nagemail sila para sabihin na hindi pwedeng i honor.
E papano yun?! alangan naman yung landlord ko ang mag-apply nung DSL e ako nga ang magbabayad din naman nun. Atsaka wala ang landlord namin. Sa January pa babalik. Alangan naman intayin ko pa yun?! E kailangan na nga ng DSL.
Naweweirdohan lang ako. Papano, nung nag-walk in kami sa MobileOne para magtanong, sabi sa amin kahit iforge na lang namin yung authorization. Yung documents din namin ang gagamitin. Imagine mo yun?! Magkaiba ang sinasabi nilang dalawa.
Yan ba ang best managed corporation in the Philippines?
DA GANDA blogged @ 12/08/2004 03:17:00 PM
|
|
Tuesday, December 07, 2004
|
Syempre nagmumuni muni ako over coffee.
Wala na akong ginawa mula nung September kundi forecasting at planning. Kakainis na. Yung isa kong ginawang spreadsheet nakaka rev7 na parang hindi pa rin natatapos at walang katapusang pagbabago sa mga bagay bagay.
Tapos, nakatanggap pa ako ng email sa boss ko. Ginagawa akong point of contact para sa isang initiative nung department namin. Napilitan akong magdecline kasi parang feeling ko puno na ako for the first quarter. Duh?! E di hindi na ako nakapagblog pag tinanggap ko pa yun.
Restricted kasi ako ng shuttle dito sa office at ng connectivity sa bahay. Finished or not Finished, pass your paper ako ng 4PM. Though maganda naman ang dial-up service sa bahay, sadyang nakakainis lang pagka may application akong inaaccess na mabigat. Tagal pang kumilos ng PLDT. Sana makabit ang DSL sa bahay bago mag Pasko para kampante ako na makakatrabaho ako sa bakasyon.
Yeah right!
DA GANDA blogged @ 12/07/2004 04:25:00 PM
|
|
Monday, December 06, 2004
|
Anak ng patola naman oo.
Ang boss ko, para bang kulang pa ang pinagagawa sa amin, binigyan pa ako ng reading assignment over the holidays.
Naku! mabuksan ko naman kaya to habang nagbabakasyon ako?
DA GANDA blogged @ 12/06/2004 09:49:00 PM
|
|
Sunday, December 05, 2004
|
Christmas is well underway and I haven't even really started with Christmas shopping.
I don't have a very long list as I plan to give gifts only to selected people due to budget contraints. I was supposed to bake some cookies but then again work has gotten in the way.
I don't feel Christmassy yet.
What has become of me?! During my birthday I was Scrooge-y, and it's continuing.
Does this mean that I'll be grumpy all through the Holiday Season?
DA GANDA blogged @ 12/05/2004 09:55:00 PM
|
|
Wednesday, December 01, 2004
|
I got married May of this year.
DA POGI's friend who got married January this year is expecting their first baby January of 2005.
My friend who got married March of this year is expecting their first baby March of 2005.
If the pattern stays the same, I should be expecting my first baby May of 2005.
But of course, that is not true.
I'm so happy with this baby boom. By the time my first baby celebrates his/her first birthday he/she will have lots of ates and kuyas to attend the party.
Di ba ang babaw?
DA GANDA blogged @ 12/01/2004 06:48:00 PM
|
|